 | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released June 2009 |
"Suwerte mo, mabilis magpatawad ang pusong nagmamahal." --------- Hindi maganda ang unang impresyon ni Mimay sa boss niyang si Desmond. Hindi maganda ang unang pagtatagpo nila. Sungitan ba naman siya nito! Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito. Mabait at mapagkalinga pala ito. Napatunayan niya iyon nang magkasakit siya at inalagaan siya nito. Hindi na kataka-taka na nahulog ang loob niya rito. Ang akala niya ay may pag-asa siyang matutugunan nito ang damdamin niya. Kaya buong pusong ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito. Pero mali pala siya. Nalaman niyang may iba pala itong mahal. Iyon ay ang ex-girlfriend nito na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nitong balikan ito. At nang bumalik sa buhay nito ang babaeng iyon, basta na lang siya isinantabi nito. Her heart was torn into tiny pieces. Gayunman, patuloy niyang minahal ito. Maghihintay siya kung kailan mababaling ang pagtingin nito sa kanya... Get it here  | ODRI | Jun 9, '09 11:34 PM for everyone |
 | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released June 2009 |
I know we can be good together... And I'm hoping that someday you can learn to love me the way that I love you. `Cause baby, I really love you so much I can't breathe. --------------- Odri has a very big secret. She was in love with her best friend Jack. Wala itong ideya na may nararamdaman siyang espesyal para dito. Pinili niyang sarilinin ang pagtingin niya dahil para ano pa? Hindi rin naman nito maibabalik ang damdamin niya dahil may iba nang mahal ito. Sa katunayan, malapit nang ikasal ito, sa kanyang labis na pagkadismaya. Sumapit ang araw ng kasal. Lahat sila ay nawindang nang hindi sumipot ang bride nito sa simbahan. She could not believe her best friend got jilted at the altar! Labis ang pagdadalamhati nito at naroroon siya para tulungan itong malampasan ang kabiguan nito. Sinamahan niya ito nang magpasya itong lumayo pansamantala. Isang gabi ay nakalimot sila… Hindi pa siya ganap na nakakahuma sa namagitan sa kanila ay saka naman lumitaw sa eksena ang runaway bride nito. At ang kanyang magaling na kaibigan, pinatawad at nakipagbalikan pa rin sa babaeng nang-indiyan dito sa altar. Paano na siya? Get it here  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released May 2009 |
As the kiss progressed, she felt her heart swell with emotion. She reached an inescapable realization. She had fallen in love with this man... ----------- Isinara na ni Lindsay ang kanyang puso nang pumanaw ang nobyo niya. Naniniwala siya na hindi na siya makakatagpo muli ng lalaking mamahalin niya nang sing wagas ng kanyang unang pag-ibig. Ang tanging nais lamang niya ay magkaroon ng anak. Sumailalim siya sa isang procedure na kung tawagin ay donor insemination. Sa kanyang labis na galak ay positibo naman ang naging resulta niyon. Saka naman nagpasyang tumibok muli ang puso niya. Sa maiksing panahon na nakilala niya si Tommy Remulla ay tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. Sa tingin niya ay mayroon din itong espesyal na pagtingin sa kanya. She was so happy. Sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap niyang magka-baby. Bukod doon ay nakahanap pa siya ng lalaking mamahalin na halatang mahal din siya. Nagkamali siya ng akala na tuluy-tuloy na ang kaligayahan niya—dahil natuklasan niya ang lihim ni Tommy… Get it here  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released May 2009 |
"Kailangang bigyan mo ako ng chance, kasi ikaw lang ang babeng gusto kong makasama sa buhay ko."
----------------
Komplikasyon ang isang bagay na wala sa buhay ni Lia. Nag-e-enjoy siya sa trabaho niya at blooming ang love life niya. Sa pangkalahatan ay masaya siya, kontento. Enter Billy Duque, ang mensahero ng balitang nagdulot sa kanya ng ibayong lungkot at ligaya—not to mention, nagpabago sa buhay niya.
Hiningi ng pagkakataon na makasama niya ito sa iisang bubong. Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang hindi naman pala ito boring gaya ng unang inakala niya. Mabilis na umusbong ang pagkakaibigan nila. Before long, she found herself falling for him. It was inevitable. He was kind. He was sweet. He was charming.
And he was also taken and so was she.
Samakatuwid, isang guwapo at simpatikong komplikasyon si Billy.
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Reprinted November 2008 |
Ang kaligayahan daw ay tulad .ng hangin, hindi natin nakikita pero alam nating naririyan lang. All we have to do is breathe it in. You are my happiness, Christmas. I wanna breathe you in. Will you let me? ------------ Palibhasa ay ipinanganak ng araw ng Pasko, likas kay Christmas, aka Cee-cee, ang pagiging matulungin sa kapwa niya. She was sunny, cheerful, and merry. Wala nang lalambot pa sa puso niya. Hindi siya marunong magalit at minsan sa isang taon lang kung sumimangot siya. She was forever an optimist and a living and breathing good Samaritan. Sa katunayan, isa siyang volunteer sa isang foundation na kumakalinga sa mga batang palabuy-laboy sa kalsada. But one December morning, hindi batang palaboy kundi isang lalaking hindi na makahingi sa sobrang atake ng hika at gabundok na galit sa mundo ang sinagip niya --- si Luigi Arellano. He was grouchy, grumpy, and testy. Katumbas nito ang sampung old maids na may PMS. Aktibong miyembro ito ng Samahan ng mga Bato ang Puso, record holder ng kasungitan at nuknukan ng kasupladuhan. Akala ni Cee-cee, iyon lang ang tulong na maibibigay niya kay Luigi. Pero hindi pala. Kailangan niyang turuan itong magmahal uli. Would love blossom between Miss Big Heart and Mr. Truckload of Emotional Baggage? Get it here  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Reprinted September 2008 |
Mahirap para kay Laurice ang paglimot kay Basti; ngunit kailangan niyang gawin iyon, gaano man kalaki ang pag-ibig niya rito. Marahil nga ay hanggang doon na lang sila. She had to move on with her life. But when she had finally gotten over the pain of losing him, saka naman ito nagbalik sa Pilipinas. Sa pagkikita nilang muli, nais sana niyang sumbatan ito sa ginawa nito noon. Pero inunahan siya nito ng galit na para bang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay. Lalo pa at may nadiskubre ito sa kanya na inakala nitong matagal niyang inilihim dito. Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ito. Pero kaya pa ba niyang magtiwala? Isa pa, kaya ba niyang buwagin ang pader na iniharang nito sa sarili? Get it here  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Reprinted September 2008 |
Punung-puno ng insecurity ang buhay ni Laurice. At sinisisi niya ang kanyang ina dahil doon. Sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito. Nang makilala niya si Basti ay biglang nagkakulay ang kanyang mundo. She fell in love with him the first time she saw him. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niya na may katugon din ang damdaming iyon. Pinunan ng pag-ibig nito ang mga puwang sa kanyang puso na nilikha ng kanyang mama. Ngunit bumalik ang insecurity niya nang pasukin nito ang mundo ng musika. Alam niya kung gaano ka-demanding ang ganoong propesyon. But she was ready to sacrifice. Ayaw niyang agawin ang kaligayahang nakikita niya rito kapag umaawit ito. Subalit may natuklasan siya. Tila hindi lang career nito ang kaagaw niya sa atensiyon nito... Get it here  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released November 2008 |
Keith liked Beatrice. Lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang babae ay taglay nito--mabait, malambing, maasikaso, at higit sa lahat, may pagpapahalaga sa pamilya.
Isang gabi ay sinadya siya nito sa bahay niya. Never in his life did he imagine he would be getting a marriage proposal from her but that was what happened. “I want to marry you,” walang kaabug-abog na sabi nito.
“Are you serious?”
“Dead serious.”
What was a guy like him to do but say “yes”?
Pero sa papel lamang ang kasal nilang iyon. Over time, habang lalo pang nakikilala niya ang kanyang “maybahay” ay natagpuan niya ang kanyang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob dito. Pretty soon, he was into her--hook, line, and sinker.
Ang buong akala niya ay may pagtingin din ito sa kanya. Ngunit sa bandang huli ay napagtanto niya na nagkamali pala siya ng akala. She was in love with somebody else.
Man, did that hurt...
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released October 2008 |
No freakin' way! Not in this life! mariing naisaloob ni Harly.
Labag sa kalooban niya ang ipinagagawa sa kanya ng lola niya. Gusto nitong makasal sila ng apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.
Sa paghahanap niya ng paraan para makaiwas sa bagong “assignment” niya ay kinasapakat niya si Katie, ang babaeng bumangga sa pinakamamahal niyang motorsiklo. Nagpanggap ito bilang nobya niya sa pag-asang titigilan na ng lola niya ang binabalak nito sa kanya.
Kamukat-mukat niya, ang pagpapanggap nila ay unti-unting nagkatotoo—at least, on his part. He fell for Katie. It was imposible not to. Napakadali kasing mahalin ito.
Pero may problema. Kung kailan tuluyan na siyang nabighani at nalulong dito ay saka niya natuklasan na hindi lang pala siya ang nag-iisang lalaki sa buhay nito.
Paano na iyan? Ayaw niyang may ka-share...   | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: July 2008 |
Nakaaway ni Charm ang ate niya. Mas pinili nitong paniwalaan ang swanget na boyfriend nito kaysa sa kanya kaya nag-alsa-balutan siya. Eksakto namang nasa honeymoon ang kaibigan niyang si Naomi at iniwan nito ang susi ng bahay nito sa kanya. Nag-e-mail siya rito na makikitira siya habang hindi humihingi ng pasensiya ang ate niya.
Nagulat siya nang pagdating niya sa bahay ay madatnan niya roon si Zeke, ang kaibigan ng asawa ni Naomi. Ayon dito, doon daw muna nakikituloy ito dahil naiingayan ito sa kapitbahay nitong nagpapagawa ng bahay.
From then on, naging housemates na sila. Komportable siya rito dahil ang alam niya ay bakla ito—ayon na rin dito. Pero nagsimula siyang magduda nang halikan siya nito. Malayong maging bakla ito kung pagbabasehan niya ang halik nito.
Isang pasya ang nabuo niya: Aakitin niya ito. Sayang naman kasi ang lahi nito...
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: July 2008 |
Nate was a simple country boy dreaming to make it big in the pro-league. Bago siya nakipagsapalaran sa malaki at masalimuot na mundo ng basketball ay isang pangako ang iniwan niya kay Criselda, kababata at nobya niya. Babalikan niya ito at sa pagbabalik niya ay magpapakasal sila.
Ngunit isang dagok ng tadhana ang sumira sa pangako niya at naging dahilan kung bakit nawalan sila ng ugnayan ni Criselda. Nang sa wakas ay makabalita siya rito, nalaman niyang ikakasal na ito sa iba.
Mabaliw-baliw siya sa sakit na nadama niya. Ang akala niya ay mahal siya nito ngunit bakit nagkaganoon? Kung mahal siya nito ay hindi nito magagawang ibaling kaagad sa iba ang pagtingin nito.
Umusad ang mga taon. Muling nagkrus ang mga landas nila. Ang akala niya ay limot na niya ang pagtingin niya rito. Ngunit sutil ang kanyang puso. Pagkatapos ng ginawa nito, pagkatapos nitong ipagpalit siya sa iba ay ito pa rin ang mahal niya.
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: July 2008 |
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Iago at Martina. He rudely accused her of having an affair with an older man. Natural, nagalit si Martina sa kanya. Pero nang mapagtanto niyang nagkamali siya ng akala ay humingi siya ng paumanhin dito at napatawad naman siya nito.
Ang akala niya ay doon na natapos iyon pero nagising na lamang siya isang umaga na hinahanap-hanap niya ito. He became smitten with her real fast and real good. Sa tingin niya ay hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.
“Gusto kita at gusto mo ako. Bakit hindi natin subukan ito?” sabi niya rito.
Siya na yata ang pinakamaligayang lalaki sa mundo nang pumayag ito na maging nobya niya. Subalit nauwi iyon sa panlulumo nang makita niya itong may kayakap na matandang lalaki...   | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Kyle came from a traditional and conservative Chinese family. Bilang nag-iisang anak na lalaki, inaasahan ng kanyang buong pamilya—lalo na ng kanyang ama—na magpapakasal siya sa isang babaeng pinili ng mga ito para mapangasawa niya. Pero ayos lang dahil tanggap niya ang kapalaran niya.
Ang pinakamalaking pagsubok sa buhay at umabot pa sa pagkuwestiyon niya sa tradisyong iyon ay nang mahulog ang loob niya kay Claribelle. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Kapag kasama niya ito ay nagagawa niyang ilabas ang totoong siya. Masaya siya kapag kasama niya ito.
But he knew he couldn't have her. Nakaplano na ang buhay niya at hindi nakatala ang pangalan nito sa planong iyon. And so even though it pained him, he found himself letting her go…
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Alonzo Montes had been burned badly before that was why he was very wary of romantic relationships. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang panandalian pagsasama lamang ang kaya niyang ibigay sa mga nakakarelasyon niya.
When Naomi came into his life, he tried real hard not to get involved with her. Alam niyang malaki ang pagkakaiba nito sa mga exes at fling niya. He wouldn't deny it. Making love to her was the single most beautiful experience in his life. in fact, it was so beautiful the cynic in him started singing a different tune. Suddenly, he began thinking along the lines of forever.
Pero bigla na lamang naglaho ito na parang bula…   | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Hindi alam ni Jason kung bakit sa dinami-rami ng babaeng nakikilala niya sa kanyang propesyon bilang isang professional basketball player ay kay Callie pa na ubod ng ilap siya nagkagusto. Niligawan niya ito pero nabasted siya.
Alam niyang hopeless case ito. Natanggap na niya ang kabiguan. Masakit at mahirap lunukin pero ayos lang. Ganoon talaga.
Lumipas ang panahon. Ang buong akala niya ay lumipas na rin ang kahibangan niya. Hanggang sa pagsamahin sila ng mapagbirong pagkakataon sa isang proyekto. It was then that he realized he was still very much into her.
Uh-oh. Dare he try again?
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Nakilala ni Erica si Victor sa isang spa resort. Para sa kanya, instant attraction ang naramdaman niya para sa binata. Sa loob ng ilang araw ay sila lagi ang magkasama kaya hindi niya naiwasang lalong lumalim ang nararamdaman niya para dito.
Hanggang isang araw ay di-sinasadyang may nangyari sa kanila. Noong una ay natakot siyang baka iyon na ang katapusan ng lahat ng magagandang sandali nila. Ngunit pinatunayan ni Victor na mali ang sapantaha niya. Masaya ang bawat sandaling magkasama sila bagaman may agam-agam siya dahil wala itong ipinapangako sa kanya. Handa siyang maghintay. Ang mahalaga ay masaya sila at nararamdaman niyang espesyal siya rito.
Ngunit nang matuklasan niya ang tungkol sa dalawang taong may kaugnayan dito ay tinanong niya ang kanyang sarili: Nakahanda pa rin ba siyang manatili sa piling ni Victor kahit alam na niyang may mga taong maaaring masagasaan o magpaparaya na lamang siya kahit ang katumbas niyon ay tila ang kamatayan niya?
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Kailangan ni Hutch ang pagpupursige para patunayan sa lahat na may ibubuga siya. Siya kasi ang pinakabagong manlalaro sa kanyang team. He could not afford any distractions. At iyon si Macy sa buhay niya—isang ubod ng cute na distraction. Kung mag-demand ito ng atensiyon niya ay daig pa nito ang isang girlfriend.
Gustuhin man niya ay hindi niya puwedeng ilaan dito ang buong panahon niya. He now had his team to think about. Kaya naman kahit gaano pang pangungulit ang gawin nito ay nag-time-out muna siya rito.
Hindi niya inaasahang lalo lamang pala siyang madi-distract nang makahanap ito ng ibang binatang kukulitin…
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: June 2008 |
Matagal nang kasintahan ni Ethan si Alana. Mahal na mahal niya ito at alam niyang wala na siyang ibang nais na makapiling sa kanyang buhay kundi ito.
Ang problema nga lang, masyado silang magkatulad. Iyon ang dahilan kung bakit compatible sila. Ngunit iyon din ang hadlang kung bakit hanggan ngayon ay ayaw pa ring tanggapin nito ang marriage proposal niya.
Tulad niya ay matayog din ang ambisyon niot sa career nito. Ang hiling nito ay maghintay muna sila. Tuwing bubuksan niya ang paksa ang kasal ay iyon ang laging sinasabi nito.
Hanggang kailan siya maghihintay?
Naiinip na siya.
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: May 2008 |
Hindi sinasadyang nauwi sa mainit na tagpo ang unang pagkikita nina CH at Shari. Mula noon ay naging bahagi na ng kanyang buhay ang dalaga bagaman wala silang pormal na usapan.
Subalit hindi bukas ang kanyang puso para sa pag-ibig. May hang-up pa rin siya kay Lexy, ang girlfriend niyang nang-iwan sa kanya sa ere.
Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ito, humihingi ng tawad at humihiling na kung puwede ay ituloy nila ang naudlot na pag-iibigan nila.
Paano na si Shari?
  | Category: | Books | | Genre: | Romance | | Author: | Released: March 2008 |
“I’m guilty of doing a couple of crazy things in the past but not this. Pursuing you is the sanest thing I’ve done in my life.” ------------- Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya sa college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all courtesy of Andrew, ang ex-basketball star turned sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan kaagad siya ng romantikong atensiyon.
He was quite the charmer. Walang kalaban-laban ang puso niya dito. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what—iyon ang binata sa buhay niya. Sa maiksing panahon ay naging maligaya siya sa piling nito. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lang pala siya nito.
Pinakyaw na nito lahat ng ‘first’ niya, pati ba ang first heartache niya kailangan din niyang ibigay dito?

| |